Serbisyo na Pagmamanman
Pagmamanman ng website, pagmamanman ng web server & pagmamanman ng server galing sa iba't-ibang lokasyon sa buong mundo. Tumanggap ng downtime na alerto sa SMS at Email.

User Login
Username :
Password :
   

Sign up FREEDemo

Mga Katangian

24 x 7 x 365 Walang Humpay na Pagmamanman [Monitoring]
Maliban na lang kung isa kang robot, hindi posibleng palagi mong masubaybayan o ma-check ang iyong website o server kung tumatakbo ba ito o hindi. Hayaan na lang na ang aming automated service na ang siyang gumawa ng mga ganitong nakakabagot na gawain at mag-relax ka na lang!

Multi-Protocol Support
Sumusuporta kami ng ping, HTTP, HTTPS, FTP, SSH, SMTP, DNS, POP3, IMAP, MySQL, at ng iba pang arbitrary services na tumatakbo sa TCP/IP.

Notipikasyon sa Downtime
Maging una kang makakaalam sa tuwing ang iyong server o website ay nagkakaproblema! Nagpapadala kami ng notipikasyon sa pamamagitan ng email at SMS.

Pandaigdigang Lokasyon sa Pagmamanman
Minamanmanan namin ang iyong mga website at server galing sa network ng pagmamanman mula sa iba't-ibang dako ng mundo para hindi lang masiguradong UP ang mga ito kundi pati na rin ang pagsisigurong available at magagamit ito ng mga users sa buong mundo.

Idagdag ang "Live Status Report" sa iyong Site (sample )
Isa ka bang web host na mayroong mapagkakatiwalaan serbisyo ngunit walang paraan para kumbinsihin ang iyong mga (potensyal na) kustomer? Bibigyan ka namin ng paraan para mailantad ang iyong mga uptime report sa iyong website. Magtamo na ng karagdagang kumpiyansa galing sa mga kustomer at ng karagdagang kita!

Magpadala ng Reboot Request sa Iyong Provider sa Tuwing may Downtime
Maaari mong gamiting ang aming serbisyo para maging automatic ang pagpapadala ng email sa iyong provider tuwing my downtime, para humingi ng reboot request o karadagang imbesitigasyon.

Uptime & Performance na mga Report
Alam mo ba ang mga uptime at performance ng iyong website o server? Ibinibigay namin ang lahat ng ito sa mga easy-to-read [madaling maintindihan] na mga ulat o reports.

Pag-alis ng mga Maling Alarma
Gumagamit kami ng makabagong teknolohiya sa beripikasyon para maiwasan ang mga maling alarma. Wala ng pag-gising sa gabi dahil sa mga maling impormasyon.

Maintenance Scheduling
Maaari mong tukuyin (kung minsan o paulit-ulit) ang maintenance windows para mahinto namin sandali ang pagmamanman o pagmomonitor sa loob ng panahon ng maintenance o maaari mong tanggalin ito sa uptime reporting.

Libreng Serbisyo sa Palipat o Pag-migrate ng mga Data
Gumagamit ka ba ng ibang serbisyo sa pagmamanman? Pwede naming masalin ang dating talaan ng uptime mo tungo sa iyong account ng libre, para magiging swabe ang paglipat mo.

Madaling Gamitin
Walang komplikadong software na kailangang ma-install; web browser lang ang kailangan mo.

@MacarloMonitor Hosted Monitoring Service vs Standalone Software
Nagpaplano ka bang bumili ng monitoring software at patakbuhin ito? Tingnan ang paghahambing sa ibaba.

@MacarloMonitor Hosted Monitoring Service
Standalone Software
Installationhindikumplikado
Maling alarmahindiposible
Nagsusuri galing sa maraming lokasyonooimposible o mahal ang pagsasagawa
Karagdagang rekisitohindiisang nakalaang [dedicated] sistema na tumatakbo ng 24 x 7 para sa pagmamanman
Halagamababang pay-per-usemataas na gastusin sa pagsisimula

Kung Hindi mo na Gustong Magkaroon pa ng Hindi Napupunang Downtime, Mag-sign Up ng Libre Ngayon!